Humarap kahapon sa pagdinig sa Senado si ABS-CBN President/CEO Carlo Katigbak (nakatayo).
Kuha ni Geremy Pintolo
ABS-CBN nag-sorry kay Duterte
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Humingi kahapon ng paumanhin ang ABS-CBN kay Pangulong Rodrigo Duterte kung na-offend ito dahil sa political ad noong 2016 presidential elections.

Mismong si ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak ang nag-sorry sa pagdinig ng Senate committee on public services tungkol sa mga isyu na may kinalaman sa pagre-renew ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sinabi pa ni Katigbak na hindi intensiyon ng ABS-CBN na ma-offend ang Pangulo at sumusunod lamang sila sa mga batas at regulasyon tungkol sa political ads.

Nilinaw din ng network na wala silang sa­riling political agenda at mahigit nasa P100 milyong halaga ng national ads ni Duterte ang kanilang naipalabas noon.

Samantala, nilinaw naman ng Bureau of Internal Revenue na regular na nagbabayad ng buwis ang ABS-CBN.

Ayon kay BIR audit chief Simplicio Cabantac Jr., mula 2016 hanggang 2019 ay umabot sa P14.39 bilyon ang naibayad na tax bukod pa sa income tax.

Lumabas din sa pagdinig na P150 milyong halaga ng real property tax ang mawawala sa Quezon City government kung magsasara ang ABS-CBN.

Nilinaw din ni Justice Secretary Menardo Guevarra na sa May 4 at hindi sa Marso 30 magtatapos ang prangkisa ng ABS-CBN.

 Tahasang sinabi kahapon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na dapat noon pa nag-sorry ang ABS-CBN kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Dapat noon pa na nila ginawa ‘yan,” sabi ni Panelo.

 Sinabi rin ni Pane­lo na natutuwa siya na umamin ang ABS-CBN sa kanilang nagawa sa Pangulo.

Idinagdag ni Panelo na depende na sa Pa­ngulo kung tatanggapin ang sorry ng ABS-CBN dahil ang pagtanggap ng sorry ay personal na desisyon.

 

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with