63 Pinoy sa apat na bansa nagpositibo sa COVID-19
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 63 Pinoy ang may taglay na 2019 Coronavirus disease (COVID-19) sa apat na ibang bansa.

Sinabi ni Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire na nasa 59 na Pinoy ang nagpositibo sa  nasabing sakit na sakay ng Diamond Princess cruise ship na nakadaong sa Japan, bagaman nakarekober na ang dalawa sa kanila.

Nakapagtala ng dalawang Pinoy na may COVID 19 sa United Arab Emirates, isa sa Hong Kong at isa sa Singapore.

Nilalapatan ng lunas ang mga apektadong Pinoy sa bansang kinaroroonan nila at nasa mabuting kalagayan na ang Pinay domestic helper na nagpositibo din sa COVID 19.

Ang 43-anyos na nasa UAE ay naka-respirator pa dahil sa hirap sa paghinga at maselan pa ang kondisyon habang nasa maayos nang kalagayan ang 34-anyos na nasa UAE din.

Ang 41-anyos sa Singapore na  permanent resident doon ay nasa stable condition na rin sa isang pagamutan doon.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with