400 Pinoy mula Japan uuwi ngayon
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaasahang ngayong araw ng Martes ang pagbabalik sa bansa ng mahigit 400 Pilipino na sakay ng Diamond Princess cruise ship na nakadaong sa Yokohama, Japan.

Ito’y matapos makumpketo na ang proseso at pagsusuri sa kanila na napayagang makasakay na ng eroplano dahil sa naging  asymptomatic pa rin kaugnay sa  2019 coronavirus disease (COVID-2019), ayon kay  Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire.

“Lahat po ay naayos na, hopefully by tomorrow (Martes) po maiuwi natin sila,” ani Vergeire sa isang press breifing.

Wala pang eksaktong bilang ng mga pauuwiin bagama’t nasa mahigit 400 ang nagpahayag na ng kagustuhang umuwi at inaasahang makakasama sa repatriation. Una nang naudlot ang itinakdang repatriation  nitong Linggo, (Pebrero 23).

Kaugnay nito, kinumpirma rin ni Vergeire na umakyat na sa 59 ang mga Pinoy sa cruise ship na nagpositibo sa virus. Nabatid na dalawa sa mga ito ang gumaling na habang ang 57 iba pa ay kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas sa pagamutan sa Japan.

Samantala, plantsado na ang dalawang chartered flight na susundo sa mga Pilipinong sakay ng naka-quarantine na Diamond Princess  cruise ship.

Kinumpirma ni Executive Director Carmelo Arcilla ng civil aeronotic board na nakahanda na ang dalawang eroplano ng Philippine airlines para sa kakaila­nganin ng dalawang flight ng mga Pinoy repatriate. Butch Quejada

JAPAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with