Mass deportation ng Chinese nationals sa POGO nakaamba
MANILA, Philippines — Sinabi kahapon ni Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval na maaaring magkaroon ng mass deportation sa mga Chinese national kapag kinansela ng Chinese embassy ang kanilang mga passport. Kapag kinansela ang naturang mga passport, magiging undocumented nationals ang naturang mga Chinese national sa bansa. Sinabi ni Sandoval na ibeberipika nila sa Chinese embassy kung kinansela na talaga ng kanilang gobyerno ang passport ng libu-libo nilang mamamayan na nagtatrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operators.
- Latest