^

Bansa

Duterte ‘di interesado sa ABS-CBN franchise hearing

Pilipino Star Ngayon
Duterte �di interesado sa ABS-CBN franchise hearing
Sinabi ni Presidential Spokesperon Salvador Panelo na masyadong maraming trabaho ang Pangulo at wala na itong oras makinig o manood pa ng hearing.
PCOO/File

MANILA, Philippines — Hindi umano interesado si Pangulong Rodrigo Duterte sa isasagawang pagdinig ng Senado ngayong araw patungkol sa franchise renewal application ng ABS-CBN.

Sinabi ni Presidential Spokesperon Salvador Panelo na masyadong maraming trabaho ang Pangulo at wala na itong oras makinig o manood pa ng hearing.

Ang Senate hearing sa naturang usapin ay dalawang linggo matapos na maghain ng “quo warranto petition” sa Korte Suprema si Solicitor General para hilingin ang pagbawi sa prangkisa ng ABS-CBN dahil sa umano’y foreign ownership dito.

Muli namang binigyan diin ni Panelo ang nauna nang pahayag ng Malacañang na wala silang kinalaman sa paghahain ng Office of the Solicitor General ng quo warranto petition.

Dagdag pa nito, hindi manghihimasok ang Palasyo sa mga hakbang na ginagawa ng Senado lalo pa’t nagdesisyon ang liderato ng Mataas na Kapulungan na huwag magdaos ng sesyon para bigyan daan ang franchise renewal hearing.

vuukle comment

ABS-CBN

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with