^

Bansa

Sen. Go, nababagalan sa Marawi rehab

Pilipino Star Ngayon
Sen. Go, nababagalan sa Marawi rehab
“Ayaw po nating mang­yari ang pagba­ngon ng Marawi na matulad sa Tacloban, Leyte na tinamaan ng bagyong Yolanda pero hanggang ngayon ay hindi pa talaga totally naaayos dahil kulang sa suporta ng nakaraang administrasyon,” ani Sen. Go.
Geremy Pintolo/File

MANILA, Philippines — Nababagalan at hindi natutuwa si Sen. Bong Go at mga kasamahan nito sa Senado sa ginagawang rehabilitation sa Marawi City na umaabot na sa mahigit dalawang taon.

Kasama ni Go sina Sens. Imee Marcos, Migz Zubiri, Francis Tolentino at Ronald dela Rosa ay sinilip nila ang naturang rehabilitasyon na nawasak dahil sa giyera noong 2017.

“Ayaw po nating mang­yari ang pagba­ngon ng Marawi na matulad sa Tacloban, Leyte na tinamaan ng bagyong Yolanda pero hanggang ngayon ay hindi pa talaga totally naaayos dahil kulang sa suporta ng nakaraang administrasyon,” ani Sen. Go.

Tanong pa ni Sen.Go, “Nandyan naman ang pondo. Nagamit na ba? Mabagal ba yung releases kaya halos hindi umuusad itong rehabilitasyon?”

Hinikayat ng bagitong mambabatas ang mga concerned agencies na bilisan ang pagsasaayos ng Marawi dahil nariyan naman ang pondo at mga donasyon mula sa private sectors at tulong mula sa ibang bansa.

“Marami sa mga taga-Marawi ang nasa Maynila na naghihirap doon dahil dito ang kanilang kabuhayan talaga pero nag-tityaga at nag-aantay sa pagtatapos nitong rehabilitasyon para makauwi na sila,” pahayag ni Go.

“Hindi po istilo ng Pangulong Duterte na mag-iwan ng proyekto ng nakatiwangwang dahil gusto niya matapos ang lahat ng ito bago siya bumaba para makabalik na ang mga taga-Marawi dito na mamuhay ng normal muli,” hirit pa ng Senador mula sa Davao City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with