Pawang pinagkalo­oban din ng quarantine clearance certificates ng Department of Health (DOH) ang nasa 49 Pinoy na namalagi sa Athlete’s Village, sa New Clark City, Capas, Tarlac simula noong Pebrero 9.
Department of Foreign Affairs, Handou
49 Pinoy mula Wuhan pinauwi na!
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - February 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinauwi na sa kani­lang mga tahanan ang mga  Pilipinong nagmula sa Wuhan City, Hubei, China sa pagtatapos ng  ka­nilang 14-day quarantine kahapon nang walang nakitang sintomas ng 2019 coronavirus di­sease (COVID-19).

Pawang pinagkalo­oban din ng quarantine clearance certificates ng Department of Health (DOH) ang nasa 49 Pinoy na namalagi sa  Athlete’s Village, sa New Clark City, Capas, Tarlac simula noong Pebrero 9.

Ang mga naturang clearance certificate ay ipinagkaloob sa mga Pilipino upang maiprisinta nila sa kanilang mga employer bilang katibayan na sila ay may kakayahan pa ring magtrabaho.

Tiniyak naman ni DOH Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire na kahit pa pinayagan nang makauwi sa kani-kanilang lalawigan ay patuloy pa ring imomonitor ng DOH ang kalusugan ng naturang mga Pinoy repatriates mula sa Wuhan sa loob ng isang buwan sa tulong ng mga local officials.

Kabilang sa natu­rang 49 na Pinoy ang 30 overseas Filipino wor­kers (OFW) na nakatira at nagtatrabaho sa Wuhan; limang mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) na siyang nag-asikaso ng mga dokumento ng mga naturang Pinoy; anim na airline crew, at tatlong ground crew na nag-uwi sa kanila sa Pilipinas.

Sinabi ni Vergeire na nang makaalis na ang mga repatriates ay kaagad na nilinis mabuti at dinisinfect ang New Clark City facility bilang paghahanda naman sa pagdating ng mga Pinoy na ire-repatriate mula sa MV Diamond Princess cruise ship na naka-quarantine sa Yokohama, Japan.

COVID-19 DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with