Dumating ang Pa­ngulo sa sementeryo dakong alas-10 ng gabi kung saan nagdala siya ng bulaklak.
STAR/ File
Duterte dumalaw sa puntod ng mga magulang
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dinalaw ni Pangu­long Rodrigo Roa Du­terte noong Biyernes ng gabi ang puntod ng kanyang mga magulang sa Roman Catholic Cemetery sa Davao City.

Ginunita ng Pangulo ang ika-52 anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang ama.

Sinamahan ang Pa­ngulo ng kanyang dating aide at ngayon ay Senator Christopher Lawrence “Bong” Go.

Dumating ang Pa­ngulo sa sementeryo dakong alas-10 ng gabi kung saan nagdala siya ng bulaklak. 

Kalimitang binibisita ng Pangulo ang puntod ng kanyang mga magulang tuwing All Saints’ Day, anibersaryo ng ka­nilang kamatayan at kanilang birthdays.

Ang ama ng Pangulo na si Vicente Gonzales Duterte ay ipinanganak noong November 23, 1911 sa Danao, Cebu. Namatay siya noong Peb­rero 21, 1968.

RODRIGO ROA DU­TERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with