PDEA nagbabala sa online selling ng injectable shabu
Romina Cabrera (Pilipino Star Ngayon) - February 23, 2020 - 12:00am

Kumakalat sa social media

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng babala ang Philippine Drug Enforcement Agency hinggil sa pagbebenta ng mga injectable shabu sa pamamagitan ng internet partikular sa social media at mga dating application.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na dumarami ang mga insidente ng online selling ng illegal drugs na kinabibilangan ng injectable shabu na mas malaki ang epekto.

“Nagiging mapangahas na ang mga drug dealer. Hayagan na silang nag-aanunsiyo at nagbebenta ng kanilang iligal na produkto sa internet o sa pamamagitan ng social media. Tinitiyak ng PDEA na patuloy nitong pipigilan ang ganitong paraan ng drug trafficking,” pahayag pa ni Aquino.

Sinabi pa ni Aquino na mabilis na nagiging popular sa mga drug user ang injectable shabu dahil ang matagal na epekto nito ay mula sa sexual arousal hanggang sa prolonged sexual activity.

Ang paraang ito ay maaring magdulot agad ng accidental drug overdose at ang pagkalat ng nakakahawang sakit sa pamamagitan ng kara­yom.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with