P25 million road project itinanggi ni Lacson
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Itinanggi kahapon ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na inisponsoran niya ang isang P25 mil­yong halaga ng proyekto sa Tarlac na isang “local item” na nakapaloob sa P4.1 trilyong pambansang budget ngayong 2020.

Hininala ni Lacson may tumatrabaho sa kanya upang masira ang pangalan matapos isiwalat ang pagkakaharang ng Malacañang sa tinatayang P80 bilyong realignment sa 2020 national budget.

Ang nabanggit na pahayag ay ginawa ni Lacson bilang pagpapasinungaling sa lumabas na impormasyon na siya ang nag-sponsor sa P25-milyong road concreting project sa Barangay San Rafael, Tarlac City.

Nagulat pa ang mam­­­babatas dahil nitong nakaraang linggo, nakatanggap ng tawag ang kanyang tanggapan na kung saan ay ipinapaalam sa kanya ang umano’y pasasalamat ni Tarlac City Mayor Maria Cristina C. Angeles sa naturang proyekto na nakatakda nang umpisahan sa mga darating na araw

PANFILO “PING” LACSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with