BI chief ‘di pa lusot sa ‘pastillas’ - Malacañang
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kahit na malaki ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte, makakasuhan pa rin si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente kapag lumabas sa imbestigasyon na nagkaroon ng kapabayaan sa kanyang panig at may nagawang ilegal kaugnay sa nabunyag na “pastillas” modus kung saan sangkot ang kanyang mga tauhan.

Ito ang nilinaw kahapon ni Presidential Spokesperon Salvador Panelo kaugnay sa isyu ng bayaran ng mga pumapasok na Chinese na karamihan ay nagta-trabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).    

Sa isang talumpati sa Davao City, sinabi ng Pangulo na tiwala siya na hindi sangkot sa “pastillas” scheme si Morente o anumang uri ng money-making activities sa kanyang ahensiya.

Pero sinabi ni Pa­nelo na ang tiwala ay natatapos kapag nag­labas na ng taliwas na pahayag ang Pangulo.

“As I’ve said, every­one is not off the hook. The confidence is there until contrary statement is made by the President,” pahayag ni Panelo.

Nabunyag sa pagdinig sa Senado na nagbabayad ng nasa P10,000 ang mga dumarating na Chinese kapalit ang mabilis na pagpasok nila sa bansa.

Idinagdag ni Panelo na malalaman kung ano ang magiging kapalaran ni Morente kapag natapos na ang assessment sa kanya sa susunod na  Cabinet meeting.

Kinumpirma rin ni Panelo na kasama sa iniimbestigahan si Mo­rente.

”Pag involved ang isang opisina, eh ‘di lahat (iniimbestigahan)” ani Panelo.

 

MALACAñANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with