Cha-cha isinantabi muna ng Kamara
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinantabi muna ng Kamara ang hakbang para sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Ca­yetano, mas maraming mahahalagang usapin na dapat bigyang atensyon ng mga mambabatas tulad ng pagtalakay sa banta ng coronavirus, termination ng Visiting Forces Agreement (VFA) at ang renewal sa franchise ng ABS-CBN.

Matatandaan na hindi natuloy ang botohan sana nitong Miyerkules ng House Committee on Constitutional Amendment para sa charter change o Cha-cha bagamat nauna nang sinabi ng chairman ng komite na si Cayagan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na pagbobotohan na ito.

Paliwanag ni Caye­tano, pinostpone nila ito dahil sa maraming kontrobersya na sabay-sabay at mahirap na magkaroon sila ng malamig na diskusyon gayung sabay-sabay ang mainit na usapin.

Idinagdag pa ni Speaker na sa pamamagitan ng pag-postponed nila sa botohan ay magbibigay din ito ng panahon kung paano tatanggapin ang Cha-cha ng mga kongresista.

Nais din umano niya na magsagawa ng consensus at hikayatin ang mga kongresista sa halip na i-pressure ang mga miyembro ng Kamara lalo na ang mga batang kongresista.

 

CHA-CHA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with