3rd telco sa 2021 pa magseserbisyo
(Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maghihintay pa ng isang taon ang taumba­yan sa serbisyong ini­aalok ng third telco player Dito Telecommunity Corporation.

Inamin ng Dito na hindi nito kakayaning mag-umpisa ng serbisyo sa Hulyo ngayong taon kaya kanilang iniurong ang tinawag na commercial rollout sa Marso 2021.

Sinabi ng Dito sa isang conference noong isang araw  na nakasaad naman sa kanilang Certificate of Public Convenience and Necessity na sa Marso 2021 pa talaga ang umpisa ng kanilang pagbukas ng serbisyo sa publiko.

“March 2021 is really the mandated date by the NTC [National Telecommunications Commission],” sabi ni Dito chief administrative officer Adel Tamano.

Ang sinasabi umano ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na Hulyo 2020 na commercial rollout ay sad­yang inilaan lamang sa tinatawag na ‘technical launch’ at hindi pa ang pormal na pagbukas ng telco services sa public subscribers.

Sa panahon ng tinatawag na technical launch, sinabi ni Tamano na bubusisiin ng NTC ang pagsunod nito sa kanilang pangako na seserbisyuhan ang 37% ng populasyon ng bansa na ?may 27 megabits per second (mbps).

Nangangahulugan ito na susuriin ng gobyerno kung handa na ang network ng Dito kung saan mayroon na itong 1,600 towers pagsapit ng Hulyo ngayong taon.

Bubusisiin din ng technical launch ang katatagan ng network, gayundin ang kalidad ng customer service support.

Pinawi naman ng mga opisyales ng Dito ang agam-agam na kulang sa pananalapi ang nasabing 3rd telco kaya nabibinbin ang mabilis na pag-usad ng mga gawain sa paglunsad ng tinawag na telecommunication infrastructures tulad ng cell towers.

TELCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with