^

Taal ‘di pa rin nananahimik

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - February 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Hindi pa rin nananahimik ang Bulkang Taal sa Batangas matapos makitaan ng pamamaga ang bu­nganga nito na senyales na patuloy ang mga aktibidad sa loob nito.

Sa kabila nito, inalis ng Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng mga residente sa Batangas sa bagong aktibidad ng bulkan dahil hindi naman ito magreresulta ng agarang pagsabog.

Ayon sa Phivolcs, ang nakitang pamamaga ng bu­nganga ng bulkan ay mga naiwang magma sa pagsabog ng bulkan noong January 2020.

Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang bulkan ng 2  volcanic earthquakes lamang at pagluwa ng 288 tonelada ng asupre.

Nanatali naman sa alert level 2 ang Taal na nangangahulugan na nasa moderate level of unrest ang bulkan.

Patuloy pa ring ipinagbabawal ang pagpasok ng sinumang indibidwal sa loob ng 6 kilometer radius permanent danger zone sa paligid ng bulkan para  sa hindi maiiwasang aktibidad tulad ng ashfall, explosions, lava collapse at pyroclastic flows.

TAAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with