Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, walang pen­ding tax issue ang ABS-CBN at nagbayad ito ng kabuuang P70.5 bilyon sa buwis sa nakalipas na 17 taon kung saan maitutu­ring na isa ang kumpanya sa pinakamalaking magbayad ng buwis sa gobyerno.
Boy Santos/ File
ABS-CBN walang utang sa buwis – BIR
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang utang sa bu­­­wis ang ABS-CBN, pag­lilinaw ng Bureau of Internal Revenue (BIR) bilang reaksiyon sa ulat na may malaki itong pagkakautang sa pamahalaan dahilan para hindi mai-renew ang  franchise nito na nakatakdang mapaso sa Marso.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, walang pen­ding tax issue ang ABS-CBN  at nagbayad ito ng kabuuang P70.5 bilyon sa buwis sa nakalipas na 17 taon kung saan maitutu­ring na isa ang kumpanya sa pinakamalaking magbayad ng buwis sa gobyerno.

Aniya, nagpalabas ang BIR sa ABS-CBN ng Tax Clearance Certificate noong 2019 at kinilalang isa sa top 200 Non-Individual Taxpayers sa ating bansa.

ABS-CBN BIR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with