Kasama si Atty. Harry Roque, isinampa ni dating PhilHealth-POEA head office Ken Sarmiento ang reklamo laban kina Dennis Mas, dating regional head ng PhilHealth-NCR; Ruben John Basa, dating executive Vice President at COO ng PhilHealth noong 2014; Nerrisa Sugay, chair ng PhilHealth adhoc committee at Gilda Salvacion-Diaz, head ng PhilHealth-NCR noong 2018.
Presidential Photo/Yancy Lim
4 PhilHealth officials, kinasuhan sa multi-million peso ‘fake receipts’
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinampahan sa Office of the Ombudsman ng patung-patong na kasong katiwalian, dere­liction of duty at administratibo ang apat na matataas na opis­yal ng Philippine Health Insurance Corp. dahil sa umano’y pamemeke ng resibo para sa bayad sa premium ng PhilHealth ng mga OFW.

Kasama si Atty. Harry Roque, isinampa ni dating PhilHealth-POEA head office Ken Sarmiento ang reklamo laban kina Dennis Mas, dating regional head ng PhilHealth-NCR; Ruben John Basa, dating executive Vice President at COO ng PhilHealth noong 2014; Nerrisa Sugay, chair ng PhilHealth adhoc committee at Gilda Salvacion-Diaz, head ng PhilHealth-NCR noong 2018. 

Sinabi ni Sarmiento na 2014 pa nang madis­kubre niya ang modus na kinabibilangan ng mga liaison officers ng mga manning agencies at mga tiwaling tauhan ng PhilHealth.

Kabilang sa hawak na ebidensya ni Sarmiento ang 224 original fake receipt at 800 photo copies ng OR na naglalaman ng P2,400 annual payment sa PhilHealth ng OFWs. Anya, orihinal ang mga resibong hawak niya na nagkakahalaga ng halos P16 milyon pero hindi nai-remit sa ahensya.

Naghain na siya ng reklamo noon sa NBI na naging dahilan anya kaya siya tinanggal sa trabaho noong 2018.

Giniit ni Atty. Roque, nagpabaya sa tungkulin ang apat na opisyal at tuloy pa rin umano ang kalakarang ito sa PhilHealth na aabot na sa P50-P100 milyon ang nalulugi sa pamahalaan dahil sa naturang ano­malya.

OFW PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with