Nilinaw naman ni Go na hindi opisyal ng gob­yerno ang pinakain ng pera kundi isang manloloko at manggagamit ng pangalan.
Geremy Pintolo/ File
Duterte may pinakain ng P300 – Go
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isiniwalat kahapon ni Senator Christopher “Bong” Go na may pi­na­kain ng pera si Pa­ngulong Rodrigo Duterte noong isang linggo na nagkakahalaga ng P300.

Sinabi ito ni Go bilang babala sa mga opisyal at empleyado ng Bureau of Immigration na posibleng sangkot sa sinasabing “pastillas” modus.

“Maniwala kayo o sa hindi, ipapakain sa inyo yang pastillas na yan pero ang palaman hindi polboron ang palaman pera. Noong isang linggo lang may pinakain si Pangulo...P300 nilunok nya,” ayon kay Go.

Nilinaw naman ni Go na hindi opisyal ng gob­yerno ang pinakain ng pera kundi isang manloloko at manggagamit ng pangalan.

Nagbiro pa si Go na tiyak na mababawasan ang nilunok na P300 kaya magiging barya na ito pag lumabas.

“Sabi ng Pangulo, ‘mahilig ka sa pera nga­yon kainin mo ang pera’ di kinain nya ng buo ang problema yung P300 pagbawas nyan barya na,” sabi ni Go.

Ayon pa kay Go, iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isiniwalat na ‘pastillas’ modus ni Sen. Risa Hontiveros kung saan nagbabayad umano ng P10,000 service fee ang bawat Chinese na gustong pumasok sa bansa.

Ipinaalala ni Go na sila ang tumulong noong 2016 para mabigyan ng dagdag na sahod ang mga taga-immigration dahil gusto ni Duterte na mawala ang korapsiyon.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with