Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kailangang gumawa ng isang written declaration ang mga pupunta sa Chinese territories na alam nila ang risk o panganib ng pagbiyahe pabalik sa kanilang mga trabaho.
Yancy Lim/Presidential Photos, File
Travel ban sa OFWs sa Hong Kong, Macau inalis na
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maaari nang bumalik sa kanilang mga trabaho sa Hong Kong at Macau ang mga overseas Filipino workers na na-stranded sa bansa matapos tanggalin na ang ipinatupad na travel ban na ipinataw kaugnay ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kailangang gumawa ng isang written declaration ang mga pupunta sa Chinese territories na alam nila ang risk o panganib ng pagbiyahe pabalik sa kanilang mga trabaho.

Marami kasing OFW ang nangambang mawalan ng trabaho dahil sa pagbabawal sa mga biyahe papunta at galing Hong Kong at Macau bilang pag-iingat sa COVID-19 na nagmula sa lungsod ng Wuhan sa Mainland China.

Bukod sa mga mang­gagawang Pinoy, exemp­ted din sa travel ban sa Hong Kong at Ma­cau ang mga Filipino at kanilang mga banyagang asawa o anak, may permanent resident visas sa Hong Kong at Macau, mga Pinoy na may student visas at mga Pinoy na may diplomatic visas.

Ang mga papayagan namang makabalik ng bansa galing Hong Kong at Macau ay kailangang sumailalim sa 14-day quarantine.

Nasa mahigit 210,000 Filipinos ang nagta-trabaho sa Hong Kong samantalang 32,000 naman sa Macau.

Sinabi ng kalihim na nagdesisyon ang pamahalaan sa partial lifting ng ban dahil na rin sa panawagan ng marami nating kababayan lalo na ng mga apektadong OFWs.

Noong Pebrero 14, inalis ng Pilipinas ang travel ban sa Taiwan dahil sa pagtutol ng gobyerno at Pinoy community doon.

Samantala, isang Pinoy domestic helper sa HK ang naiulat kahapon na nagpositibo sa COVID-19.

Unang na-diagnosed na positibo sa nasabing sakit ang kanyang 67-taong gulang na employer.

Ayon sa South China Morning Post, ginagamot na ang OFW sa Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital sa Chai Wan.

SALVADOR PANELO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with