Noong Pebrero 15 pa ipinalabas ni Gamboa ang direktiba para mapangalagaan ang mga pulis laban sa COVID-19 na nakapagtala na ng isang namatay sa bansa.
STAR/ File
Boodle fight ipinagbawal ng PNP
Emmanuel Tupas (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinagbawal na ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa ang mga boodle fight meals at buffet sa mga pagtitipon ng mga pulis dahil sa banta ng coronavirus disease 2019.

Noong Pebrero 15 pa ipinalabas ni Gamboa ang direktiba para mapangalagaan ang mga pulis laban sa COVID-19 na nakapagtala na ng isang namatay sa bansa.

“Iwasan natin ang buffet o boodle fight sa ating mga pagtitipon,” diin ni Gamboa.

Ibig sabihin, ang mga pagkaing inihahain sa mga pampublikong pagtitipon sa mga kampo ng pulisya ay kailangan na lang isilbi ng mga caterer.

Sa boodle fight, ang isang grupo ng mga tao ay sama-samang kumakain nang nakakamay.

Binanggit ni Gamboa ang mga report na ang tao na nahawahan ng nabanggit na virus ay maaaring magpakalat ng sakit sa pamamagitan ng tulo ng laway na makakarating sa pagkain na dahilan para madaling makontamina ang mga pagkain sa boodle fight.

Isang opisyal ng pulisya na humiling na huwag magpabanggit ng pangalan ang nagsabing mananatiling bawal ang boodle fight at buffet hangga’t mataas ang banta ng COVID-19.

ARCHIE GAMBOA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with