35 Pinoy na positibo sa COVID-19 maiiwan sa Japan
Doris Franche, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi muna mapapauwi sa Pilipinas ang 35 Pinoy na kabilang sa mga nagpositibo sa COVID-19 sa Diamond Princess sa Yokohama, Japan.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, maiiwan sa Japan ang 35 nagpositibong Pinoy sa sandaling maisakatuparan na ang repatriation sa mahigit 500 Pinoy na sakay ng barko.

Una nang kinumpirma ng embahada ng Pilipinas sa Japan na 538 ang Pinoy na sakay ng barko at karamihan sa kanila ay pawang crew.

Naghahanap pa ang Pilipinas ng quarantine faci­lity na pagdadalhan sa kanila sa sandaling dumating sila sa bansa.

Kahit kasi natapos nila ang 14 na araw na qua­rantine period sa barko ay muli silang sasailalim sa 14 na araw na quarantine pagbalik ng Pilipinas.

FRANCISCO DUQUE III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with