^

Bansa

Pilipino na may COVID-19 sa Japan 27 na

Doris Franche, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pilipino na may COVID-19 sa Japan 27 na
Sa huling pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Linggo, 16 na Filipino ang nadagdag sa mga Filipino na pawang mga crew members ng cruise ship.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 27 ang bilang ng mga Pilipino na positibo sa coronavirus (COVID-19) sakay ng Diamond Princess cruise ship na nakadaong malapit sa Yokohama, Japan,

Sa huling pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Linggo, 16 na Filipino ang  nadagdag sa mga Filipino na pawang mga crew members ng cruise ship.

Tiniyak ng Philippine embassy sa Tokyo na nakikipag-ugnayan sila sa kinauukulang ahensiya ng Japan at mga kinatawan ng World Health Organization at Diamond Princess para matiyak ang kapakanan ng mga natitirang Filipino na sakay ng barko.

Inilagay sa quarantine ang barko simula noong Pebrero 4 matapos makumpirma na isang dating pasahero ang positibo sa COVID-19.

Sa pinakahuling ulat, umabot na sa 356 ang kabuuang bilang ng mga pasahero ng Diamond Princess na tinamaan ng coronavirus kabilang ang 27 Filipino.

Samantala, Nagpapasaklolo sa gobyerno ng Pilipinas ang mahigit 134 Pilipinong stranded sa Macau.

Ito’y matapos magpatupad ng travel ban ang Pilipinas mula at patungong Macau dahil sa COVID-19 scare.

Bagaman pwedeng bumiyahe pabalik ng bansa ang mga Pilipino na galing sa Macau, wala naman silang makuhang flight dahil kanselado na ang mga biyahe ng eroplano.

Lumagda na sa petisyon ang nasabing mga Pinoy para ihirit sa gobyerno na maglaan ng chartered flight upang sila ay makauwi ng bansa.

Ayon naman sa Philippine Consulate Office sa Macau patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa pamahalaan upang makapag-arrange ng flight na mag-uuwi sa mga Pinoy.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with