^

Bansa

Pagpahid ng abo sa Ash Wednesday bawal muna

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na wala munang pagpapahid ng abo sa noo sa Pebrero 26, Ash Wednesday, na pagsisimula ng Kuwaresma.

Ayon kay CBCP Vice President at Kalookan Bishop Virgilio David, kailangan lamang na gumawa ng ilang pag-iingat ang Simbahang Katoliko bunsod na rin ng patuloy na banta ng Coronavirus Disease (COVID)-19. 

Aniya, sa halip na pagpapahid ng abo sa noo,  maaaring ibudbod na lamang ito sa bumbunan ng mananampalataya. 

Hindi rin nirerekomenda ang paglalagay ng ‘agua bendita’ sa mga lalagyan sa bukana ng simbahan. Sa halip ay hintayin na lamang ang pagwiwisik ng holy water sa mga mananampalataya. 

Gayunman nilinaw ni David na walang suspensiyon sa ibang  gawaing simbahan sa Pilipinas.

vuukle comment

ASH WEDNESDAY

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with