^
70,000 estudyante sa Bikol 'di makapagbasa; DepEd dumepensa
"[K]alakhan niyan ay doon sa Grade 1 and 2... Ang ibig sabihin, kung kapapasok lang ng bata na Grade 1 at may pre-test, talaga namang hindi pa siya reader," paliwanag ni Malaluan.
File

70,000 estudyante sa Bikol 'di makapagbasa; DepEd dumepensa

James Relativo (Philstar.com) - February 17, 2020 - 1:58pm

MANILA, Philippines — Nagpaliwanag ang Department of Education patungkol sa mataas na bilang ng mga estudyante sa elementarya sa Bikol na hindi makapagbasa sa parehong Inggles at Filipino, ayon sa pag-aaral ng kagawaran noong 2019.

Lumabas kasi sa resulta ng Philippine Informal Reading Inventory (Phil-IRI) na 70,000 ng mga elementary students na naturang rehiyon ang hindi makapagbasa.

Sabi ng tagapagsalita ng DepEd na si Nepomuceno Malaluan sa panayam ng dzRH, Lunes, batang-bata pa ang karamihan sa kanila at sinuri noong magsimula ang school year.

"[K]alakhan niyan ay doon sa Grade 1 and 2... Ang ibig sabihin, kung kapapasok lang ng bata na Grade 1 at may pre-test, talaga namang hindi pa siya reader," paliwanag ni Malaluan.

"[I]na-administer nila ito para matukoy kung sino 'yung mga learners natin na nahihirapan na magbasa at sila ay bibigyan ng tutok na interventions. At towards the end of the or mid-[year] ay chine-check lagi kung they are improving."

Nasa 18,143 mula sa ikatlo hanggang ika-anim na baitang ang hindi makapagbasa habang kalakhan ay nasa una't ikalawang baitang.

Dagdag pa ng DepEd, hindi pa kumpleto ang datos nang isapubliko ito kung kaya't hinihingi nila ang kabuuang datos.

Inilabas ang preliminary data ng Phil-IRI matapos lumabas sa 2018 Programme for International Student Assessment na kulelat sa "reading comprehension," o pag-intindi ng nagbabasa, ang Pilipinas kumpara sa 79 bansa.

Masyadong maraming itinuturo?

Sa kabila ng nakadidismayang numero, hindi naman ikinakaila ng DepEd na totoong may mga problema pa rin sa sistema ng edukasyon ng bansa.

Sa preliminary results ng review, lumalabas daw na masyadong siksik ang curriculum ng mga bata kung kaya't naisasakripisyo na ang ilang batayang kasanayan.

"Ang ibig sabihin, kailangang magkaroon ng mas malaking oras sa pagtuturo ng foundational skills natin kagaya ng pagbabasa, kaysa sa gustong magsiksik ng napakaraming kaalaman na gustong ituro pero kulang 'yung oras natin," patuloy ng DepEd.

"And in fact, all the way to the Cabinet, nag-present si secretary dito and we have the full support of the president and the Cabinet na talagang tutukan itong usapin ng quality of education in the country."

Una nang sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na kaledad ng edukasyon at "hindi na access ang pinakaproblema."

Tinatayang nasa 27 milyong estudyante ang nag-aaral sa mga pormal na institusyon ng edukasyon mula kindergarten hanggang Grade 12.

BICOL DEPARTMENT OF EDUCATION NEPOMUCENO MALALUAN READING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with