Pinoy na positibo sa COVID-19 sa Japan umakyat sa 27
Kasama sa bilang ang 16 panibagong kasong nakumpirma noong Sabado, sabi ng Department of Foreign Affairs, Lunes.
AFP/Behrouz Mehri
Pinoy na positibo sa COVID-19 sa Japan umakyat sa 27
(Philstar.com) - February 17, 2020 - 12:53pm

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 27 ang bilang ng mga Filipino sa cruise ship na Diamond Princess na nagpositibo para sa sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kasama sa bilang ang 16 panibagong kasong nakumpirma noong Sabado, sabi ng Department of Foreign Affairs, Lunes.

“Ang Embahada ay malapit na nakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno ng Pilipinas at Japan, at mga kinatawan ng World Health Organization at Princess Cruises upang matiyak na ang mga pangangailangan ng mga tauhang Pilipino at pasahero ay natutugunan at upang mapadali ang kanilang pagbabalik sa Pilipinas,” sabi ng DFA sa Inggles.

Lahat ng tripulante at pasahero ay susuriin sa Lunes para maging available na ang mga resulta oras na matapos ang quarantine period ng barko.

Mula ng ika-13 ng Pebrero, libu-libo ang naipit sa loob ng kanilang mga cabin sa ilalim ng sapilitang quarantine habang lulan ng Diamond Princess, na nakadaong sa Yokohama, Japan.

Sa panayam ng CNN Philippines, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nagsimula nang pagplaplano para sa paglikas ng mga Pilipino sa nasabing cruise ship.

Ang virus na nagmula sa lungsod ng Wuhan sa Tsina noong nakaraang taon ay nakahawa na ng higit sa 70,000 tao at pumatay sa mahigit 1,700. – Gabrielle Ann Gabriel at may mga ulat mula kay Philstar.com/Gaea Katreena Cabico

FILIPINOS JAPAN NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with