Kahapon, kinumpirma ni Japanese health mi­nister Katsunobu Kato na may 70 bagong nagposi­tibo sa COVID-19 mula sa cruise ship na Diamond Princess na dumaong at naka-quarantine sa Yokohama.
AFP / CHARLY TRIBALLEAU
500 Pinoy crew sa Japan iuuwi na
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iuuwi na sa Pilipinas ang may 500 Filipino crew ng isang cruise ship na na-quarantine sa Japan dahil sa Coronavirus Di­sease-19.

“Merong report to that effect na, as early as bago ako umalis, meron nang repatriation process na ginagawa para maiuwi iyong ating 500-plus na Filipino crew members,” sabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa isang panayam. “Ang alam ko, i-uuwi na. Hindi ko lang alam kung ano exact date.”

Kahapon, kinumpirma ni Japanese health mi­nister Katsunobu Kato na may 70 bagong nagposi­tibo sa COVID-19 mula sa cruise ship na Diamond Princess na dumaong at naka-quarantine sa Yokohama.

Sa kabuuan, umakyat na sa 355 ang mga kaso ng COVID-19 mula sa Diamond Princess cruise ship, 11 dito ay mga tripulanteng Pinoy.

Sa nadagdag na 70, may 38 ang hindi nagpakita ng mga sintomas tulad ng lagnat at ubo.

Merong 3,400 pasahero at crew ang barko, Sa bilang na ito, 1,129 pa lang ang nasusuri.

Sinabi ni Bello na nakipag-ugnayan na siya sa ahensiya ng naturang mga Pilipino dahil na rin sa hiling ni Health Secretary Francisco Duque III para sa posibleng pagkuwarantina sa kanila pagbalik nila sa Pilipinas.

Patuloy anyang sumasahod ang mga crew habang nasa quarantine at makakatanggap pa rin sila ng “usual reintegration” assistance mula sa gobyerno.

Mula pa noong Peb­rero 3 nasa isolation ang barko makaraang isang pasahero nito na bumaba sa Hong Kong ang natuklasang nahawahan ng virus.

Inaasahang mananatili sa barko ang mga pasahero hanggang Peb­rero 19 o 14 na araw mula nang simulan ang isolation period.

Samantala sa isang tweet, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. na tiwala siya sa kapasidad ng Hong Kong na pigilan ang pagkalat ng COVID-19 kaya pag-aaralan na pabalikin na doon ang HK-based OFWs na na-stranded sa Pilipinas matapos maabutan ng travel ban.

DIAMOND PRINCESS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with