Ayon sa National Health Commission, merong 2,009 bagong kaso ang naiulat sa buong China.
AFP/STR
Patay sa COVID-19 sa China umabot na sa 1,665
(Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umakyat na kahapon sa 1,665 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa coronavirus (COVID- 19) epidemic sa China makaraang 142 pa katao ang nasawi rito bagaman ang bilang ng bagong kaso ay bumaba sa tatlong magkakasunod na araw.

Ayon sa National Health Commission, merong 2,009 bagong kaso ang naiulat sa buong China.

Merong 1,843 bagong kaso sa lalawigan ng Hubei na lubhang tinamaan ng virus at unang pinagmulan ng epidemya noong Disyembre.

Aabot sa 68,500 ka­tao ang nahawahan na ngayon, ayon pa sa national health commission. Karamihan ng mga namatay ay sa Hubei.

Ang bilang ng mga bagong kaso sa ibang bahagi ng China ay bumaba sa loob ng 12 araw.

Ang lalawigan ay nagdagdag ng mahigit 14,000 kaso sa loob ng iisang araw sa linggong ito makaraang baguhin ng mga opisyal ang kanilang criteria sa pagbibilang ng mga kaso para maisama ang mga tao na clinically diagnosed through lung imaging bukod pa sa mga nagpositibo sa lab test result.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with