Imbestigasyon kay Espenido ipinapaubaya sa DILG - Go
(Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinapaubaya ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang imbestigasyon ukol sa umano’y pagkakasama sa narcolist ni Lt. Col. Jovie Espenido, kasabay ng pahayag na tuloy lamang ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Sa pahayag ni Go, ang pagkasama ni Espenido sa drug list ay kasalukuyan pang iniimbestigahan at bineberipika ng DILG at PNP.

“Regardless of the outcome, this only affirms the government’s consistency in adhering to a zero tolerance policy on fighting illegal drugs,” ani Go.

Ipinauubaya rin ni Go sa PNP ang paglilinis sa kanilang hanay upang masiguro na hindi sila mahahaluan ng mga tiwali at sangkot sa ilegal na droga.

Pero iginiit ng senador na patuloy pa rin ang tiwala niya at ni Pangulong Rodrigo Duterte na magagampanan ng pulisya ang kampanya laban sa ilegal na droga.

Hindi rin daw ito magiging dahilan para huminto sa drug war lalo na ngayon at nakikita ng publiko na unti-unti ng nagtatagumpay ang pamahalaan laban sa salot na iligal na droga.

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with