P50 bilyong tax ‘di binayaran, POGO isara na lang!
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipasara na lang ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa buong bansa at pabalikin sa kanilang bansa ang mga Tsino na hindi nagbabayad ng tax.

Ito ang iginiit ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa PAGCOR at Bureau of Internal Revenue, kasunod ng pagbubunyag ng isang mataas na opis­yal ng BIR na mayorya ng 60 lisensiyadong POGO ay hindi nagbabayad ng tinatayang P50 bilyon na withholding income at franchise tax noong 2019.

Anya, pinapayagan ng gobyerno ang mga POGO na mag-operate dahil sa pag-aakalang kikita sila ng malaki at makakatulong sa ekonomiya subalit lumalabas na lugi pa ang pamahalaan dito.

Ayon pa kay Barbers, noong isang taon pa siya nagbabala sa gobyerno na ang mga POGO ay magdadala lamang ng social, labor at security problems sa bansa tulad na lamang na nagagamit ang pera nito sa money laundering ng mga international drug traffickers at iba pang crime syndicates.

Simula umano nang magsulputan ang POGO dito ay naging talamak ang krimen ng kanilang mga manggagawa at nasangkot sa fraud, illegal gambling, kidnap-for-ransom, illegal drugs, prostitution rings at iba pa.

TAX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with