Pumalo naman sa 66,492 ang nagpositibo sa COVID-19 sa buong mainland China matapos dumagdag ang nasa 2,641 pasyente.
AFP/Ted Aljibe
Death toll sa COVID-19 pumalo na sa 1,523
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umabot na sa 1,523 ang namatay sa China dahil sa coronavirus o COVID-19 matapos madagdagan ito ng 143 kahapon.

Pumalo naman sa 66,492 ang nagpositibo sa COVID-19 sa buong mainland China matapos dumagdag ang nasa 2,641 pasyente.

Nasa 56 milyong ma­mamayan sa Hubei ang nananatiling naka-qua­rantine.

Napaulat naman sa Egypt ang unang kaso ng COVID-19 na kauna-unahan sa kontinente ng  Africa.

Isang Hapon naman na bumisita sa Hawaii ang kumpirmadong may coronavirus nang bumalik sa Japan.

Napaulat naman na sinabi ni Liang Wannian ng National Health Commission ng China na bukod sa Hubei, bumababa ang bilang ng mga nagpopositibo sa halos lahat ng probinsiya sa nakaraang sampung araw.

Ang Wuhan, Hubei ang itinuturing na pinagmulan mg COVID-19.

Umabot na rin sa 1,716 medical workers ang na-infect ng virus at anim na sa kanila ang namatay.

Samantala, sinabi kahapon ng Bureau of Immigration na sinimulan na nitong alisin ang travel restrictions na ipinataw ng Pilipinas sa Taiwan dahil sa paglaganap ng  (COVID-19).

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na inatasan na niya ang lahat ng immigration personnel na pahintulutan ang mga dayuhan at Pilipino na makabiyahe papunta o mula sa Taiwan.

“Nakatanggap kami ng kautusan mula sa Office of the President kahapon kaugnay ng pagbawi sa travel restrictions,” sabi ni Morente.

Pinapayagan ding makapasok sa Pilipinas ang mga miyembro ng diplomatic corps na bu­mabyahe mula Taiwan ano man ang lahi.

BI COVID-19 JAIME MORENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with