“That’s possible (arestuhin). Karapatan din ni Sen. Trillanes dahil ito po ay bailable offense. Uulitin ko, bailable ito at ma-serve man ang warrant ay pwede kaagad siyang dumeretso sa court para mag-post ng bail,” sabi ni Drilon.
The STAR/Geremy Pintolo, File
‘Trillanes puwedeng arestuhin pagdating sa airport’ - Drilon
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aminado si Senate Minority Leader Franklin Drilon na maaaring arestuhin si dating senator Antonio Trillanes IV pagdating nito sa airport dahil sa kinakaharap na kasong “conspiracy to commit sedition.”

Bagaman posibleng arestuhin, sinabi ni Drilon na karapatan ni Trillanes na humarap sa korte at maglagak ng piyansa dahil bailable ang kanyang kaso.

“That’s possible (arestuhin). Karapatan din ni Sen. Trillanes dahil ito po ay bailable offense. Uulitin ko, bailable ito at ma-serve man ang warrant ay pwede kaagad siyang dumeretso sa court para mag-post ng bail,” sabi ni Drilon.

Makakabuti rin aniya kay Trillanes na humarap sa husgado at hindi maaaring wala siya rito sa Pilipinas kapag nagpiyansa.

“Kung sinoman ang akusado ay dapat iharap sa husgado. Ang husgado ang magpapasya ng bail ngunit kailangan humarap si Sen. Trillanes. Hindi puwede na wala siya rito,”sabi ni Drilon.

Inihalimbawa ni Drilon ang kaso ni dating Unang Ginang Imelda Marcos kung saan pagdating sa Pilipinas ay binigyan agad ng warrant pero sa Sandiganbayan idineretso para magpiyansa.

“Ginawa na ito noong umuwi si dating First Lady Imelda Marcos, pagda­ting niya sa NAIA ay ise-serve ang warrant at ang usapan namin noon ng kaniyang abugado ay dederesto siya sa Sandiganbayan para mag-post ng bail,” ani Drilon.

Nilinaw ni Drilon na hindi kailangang iposas si Trillanes pagbalik ng bansa maliban na lamang kung nais talaga itong ipahiya.

Idinagdag ni Drilon na bilang isang dating senador ay dapat bigyan ng respeto si Trillanes.

“Hindi kailangang iposas. Although baka gusto ng mga pulis iposas si Sen. Trillanes pero hindi naman kailangan. Bigyan naman ng respeto bilang dating senador. Hindi naman tatakbo iyan. Iyan lang ay ipapahiya si Sen. Trillanes. Ang ibig lang sabihin, ang pakay ay to humiliate him,” sabi ni Drilon.

FRANKLIN DRILON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with