Isang kindergarten teacher sa Hong Kong na si Joms Ortega ang nagsaad na ang kanilang Facebook group na #StrandedPH ay nagpadala ng apela sa International Court of Justice sa Hague, The Netherlands noong Huwebes.
AFP/Nicolas Asfouri
Pinoys sa Hong Kong nagpatulong sa international court
(Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2020 - 12:00am

Laban sa travel ban

MANILA, Philippines — Ang mga Pilipinong nakabase sa Hong Kong na naistranded sa Maynila dahil sa travel ban na ipinatupad ng Pilipinas bunga ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay nanawagan sa isang international court na umapela sa Maynila para payagan silang makabalik sa special administrative region ng China.

Isang kindergarten teacher sa Hong Kong na si Joms Ortega ang nagsaad  na ang kanilang Facebook group na #StrandedPH ay nagpadala ng apela sa International Court of Justice sa Hague, The Netherlands noong Huwebes.

“Ilan sa aming mga group administrators at mode­rators ang gumawa ng sulat at ipina-edit sa aming mga adviser (hiniling namin sa aming mga adviser na iedit),” sabi ni Ortega sa isang napaulat na panayam.

Ang grupo ay binubuo ng 1,000 overseas Filipino worker sa Hong Kong.

“Ipinadala namin ito sa International Court of Justice para makalat ang information sa (so the information would spread in the) international community. The ban that was imposed was quite unfair,” sabi niya.

Binanggit niya na ang mga Pilipino sa Hong Kong ay may iba’t-ibang trabaho kabilang ang mga teachers, engineers, entrepreneurs, designers, pilots, flight attendants, journalists at domestic helpers.

Idinagdag niya na ang mga OFW ay handang lumagda sa isang waiver kung papayagan silang bumalik sa Hong Kong sa gitna ng paglaganap ng COVID-19.

COVID- 19 JOMS ORTEGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with