Ayon kay Gatcha­lian, hindi porke’t Chinese ay masama na at hindi porke’t nangga­ling sa China, hindi na maganda.
The STAR/Geremy Pintolo
Diskriminasyon pinuna ng senador
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2020 - 12:00am

Sa gitna ng health crisis

MANILA, Philippines — Kasabay ng panawagan na dapat magkaisa, pinuna kahapon ni Senador Sherwin Gatcha­lian ang diskriminasyon laban sa mga Chinese.

Ayon kay Gatcha­lian, hindi porke’t Chinese ay masama na at hindi porke’t nangga­ling sa China, hindi na maganda.

Ginawa ni Gatchalian ang paglilinaw sa gitna ng masamang impresyon at diskrimasyon na ibinabato sa mga Chinese dahil sa novel coronavirus o COVID-19.

Naniniwala si Gatcha­lian na hindi pagiging “Pilipino” ang ugaling “discriminating” lalo na’t ang kultura ng Pilipinas ay nakilalang isa sa may pinakamalawak na pang-unawa pagdating sa lahi at nasyonalidad.

Ayon sa mambabatas, ngayon ang tamang panahon para magkaisa upang masugpo ang tunay na kalaban – ang COVID-19.

Sinabi rin ni Gatcha­lian na nakakalungkot isipin na may ilang taxi driver na ayaw magsakay kapag nakitang singkit ang pasahero dahil sa pangamba na baka galing ng Wuhan, Hubei, ang sinasabing pinagmulan ng novel coronavirus.

Diskriminasyon din anya ang ginawa ng Adam­son University nang maglabas ito ng memo na huwag munang papasukin ang mga estud­yanteng Chinese sa loob ng 14 na raw hangga’t hindi pa sila tapos mag self-quarantine. Humingi naman ng paumanhin kalaunan ang eskwelahan sa naging hakbang.

Pinuna rin ni Gatcha­lian ang pangungutya sa mga Chinese sa internet, partikular sa social media. 

Mismong Department of Health (DOH) na ang nanawagan sa publiko na hindi makakatulong sa pagpuksa ng virus ang diskriminasyon. 

Mas mainam pa anya na sundin na lang ang payo ng mga eksperto sa pag-aalaga ng pa­ngangatawan at pagpapanatili ng kalinisan nito para makaiwas sa anumang sakit.

SHERWIN GATCHALIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with