‘Espenido’ patunay na walang sinasanto ang gobyerno vs drugs
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki kaha­pon ni Sen. Christopher “Bong” Go na walang sinasanto ang gobyerno sa laban sa ilegal na droga at patunay nito ang isyu laban kay Lt. Col. Jovie Espenido.

“Patunay lamang na walang sinisino ang gobyerno pagdating sa laban sa illegal drugs,” sabi ni Go matapos mapasama si Espenido sa mga iniimbestigahan dahil sa pagkakasangkot umano sa illegal drug operation sa bansa.

Ayon kay Go, ibini­gay nila ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang tiwala sa Philippine National Police pero kaakibat nito ang  responsibilidad na pananagutan nila anuman ang kanilang gawing mabuti o masama habang nasa puwesto.

Nilinaw naman ni Go na base sa pahayag ng Department of the Interior and Local Government, dadaan pa sa validation ang alegasyon kay Espenido at iba pang police officials na idinadawit sa illegal drugs.

Sinabi pa  ni Go hindi tumitigil ang kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs gayundin sa kriminalidad at korap­syon.

Matatandaan na pi­nagkatiwalaan ni Duterte si Espenido na siyang nanguna sa ilang anti-illegal drug operations gaya ng pag-neutralize kay dating Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa at dating Ozamiz city Mayor Reynaldo Parojinog na kapwa sinasabing malaking isda sa illegal drug trade.

RODRIGO ROA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with