^

Bansa

PCL isusulong na maging batas ang Mandanas ruling

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makakaasa ang mga ‘Local government units (LGU) o pamahalaang lokal na magkaroon ng higit na matibay na pananalapi upang lalong maisulong ang pag-unlad nila kung magiging batas ang tinatawag na “Mandanas Ruling” ng Korte Suprema.  

Ayon sa ‘Mandanas R­uling,’ ang ‘internal revenue allotments (IRA)’ o baha­ging pondo ng mga LGU ay dapat batay sa kabuuang koleksiyong buwis ng pamahalaang pambansa gaya ng isinasaad sa 1991 Local Government Code (LGC) at hindi lang nalikom na buwis ng BIR mula sa nasasakupan ng LGU gaya ng dating ginagawa.

Sinabi ni Philippine Councilors League (PCL) Bicol Regional Chair Jesciel Richard Salceda na kasalukuyang kumakampanya sa pagka-PCL ‘national chairman’ na kung siya’y mananalo, isusulong niya na maging batas o maipaloob sa Saligang Batas ang  ‘Mandanas Ruling.’

Pangatlong termino na si Salceda bilang konsehal ng Polangui, Albay at kinatawan ng kanilang lokal na liga sa Albay Provincial Board.

Ayon sa kanya, kung maisabatas ang ‘Mandanas Ruling,’ makatitiyak ang mga LGU ng patas at nararapat na IRA.

Sa ilalim ng ‘Mandanas Ruling,’ lolobo ang pondong batayan ng IRA sa P354 bil­yon sa 2022; P382 bilyon sa 2023; P420 bilyon sa 2024; at P466 bilyon sa 2025. Dapat maisabatas ang tiyak na hatian ng nasyunal at lokal na pamahalaan na masid­hing ninanais ng mga LGU, dagdag niya.

 Si Salceda ay pamangkin ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, na nga­yon ay chairman ng House Ways and Means Committee.

1991 LOCAL GOVERNMENT CODE

IRA

LGU

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with