Sa inilabas na advisory, ipinaliwanag ng mga eksperto na tuluyang nabawasan ang mga volcanic earthquake activity ng bulkan.
The STAR/Michael Varcas
Taal alert ibinaba sa level 2
(Pilipino Star Ngayon) - February 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 ang status ng nag-alburotong bulkang Taal.

Sa inilabas na advisory, ipinaliwanag ng mga eksperto na tuluyang nabawasan ang mga volcanic earthquake activity ng bulkan.

Bukod dito, huminto na raw ang ground deformation sa Caldera at mismong Taal volcano island gayundin humina na ang pagbuga ng steam/gas sa main crater.

Mula noong Enero 26 ay nakakapagtala ng 141 volcanic earthquakes kada araw ang Taal Volcano Network.

Sa recorded “significant events” naman ng Philippine Seismic Network ay may naitalang 127 volcanic quakes na may magnitude 1.4 hanggang 4.3 sa buong Taal region.

“The number of and energy of tremor and low-frequency events associated with activity in the shallow magma and hydrothermal region beneath the Taal Volcano island edifice have also diminished,” ayon sa Phivolcs bulletin.

BULKANG TAAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with