Travel ban sa Taiwan, binawi na
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - February 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinanggal na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) ang ipinataw na travel ban sa Taiwan.

Dahil dito, maari na muling makabiyahe anuman ang nationality mula Pilipinas patungong Taiwan at mula Taiwan pabalik ng Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang pagbawi sa ban ay napagpasyahan ng IATF.

Ito ay dahil sa mayroon namang istriktong measures na ipinatutupad ang Taiwan at may mga protocols para matugunan ang COVID-19.

Kaugnay nito, sinabi ni Panelo na masusing pag-aaralan ng IATF ang kondisyon sa iba pang mga lugar kabilang ang Macau hinggil sa posibilidad na pagbawi na rin ng travel ban.

“IATF will likewise evaluate other jurisdictions, including Macau, for the possible lifting of the imposed travel ban after their submission of the protocols being observed by their government which prevent potential carriers of the said virus from entering and deporting their territory and enable others to determine the recent travel history of any traveler exiting their borders,” ani Panelo.

TAIWAN TRAVEL BAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with