Ex-CJ Bersamin bagong GSIS chief
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - February 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong pinuno ng Government Service Insurance System (GSIS) si retired Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin.

Ayon kay Sen. Christopher “Bong” Go, nakapanumpa na rin si Bersamin kay Duterte noong nakaraang linggo.

Oktubre 2019 nang magretiro si Bersamin bilang ika-25 na chief justice ng Korte Suprema.

Matatandaang noong Hulyo 2019, itinalaga bilang officer-in-charge ng GSIS si Rolando Macasaet matapos magbitiw sa puwesto si Jesus Clint Aranas.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na may nakuwestiyon sa pamama­lakad ni Aranas sa GSIS na nagresulta sa kawalan ng kumpiyansa ng Pangulo sa GSIS chief.

GSIS JUSTICE LUCAS BERSAMIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with