Ayon kay Rosario Vergeire, assistant secretary ng public health services team ng DOH, naggaling sa Taiwan ang 71-anyos na namatay noong ika-12 ng Pebrero.
AFP/Nhac Nguyen
Pasyenteng inoobserbahan sa COVID-19 patay sa La Union
James Relativo (Philstar.com) - February 14, 2020 - 5:24pm

MANILA, Philippines — Pumanaw ang isa pang pasyenteng sinusuri kaugnay ng nakamamatay na COVID-19, pagbabalita ng Department of Health, Biyernes.

Ayon kay Rosario Vergeire, assistant secretary ng public health services team ng DOH, naggaling sa Taiwan ang 71-anyos na namatay noong ika-12 ng Pebrero.

COVID-19 ang bagong pangalan ng dating novel coronavirus (2019-nCoV). 

Kasalukuyang nagpapataw ng travel ban sa Taiwan ang Pilipinas dahil sa pagiging laganap ng sakit doon.

Bawal pumunta ng Pilipinas sa ngayon ang mga nagmumula sa Taiwan, mainland China, Hong Kong at Macau bunsod ng ban.

Umakyat na sa 1,483 ang namamatay sa coronavirus epidemic ngayong araw.

Nasa 116 na ang nadagdag sa mga bilang ng namatay habang 4,823 ang new cases ng sakit sa probinsya ng Hubei sa Tsina.

Umaabot na sa 64,600 ang sinasabing nahawaan ng sakit sa Tsina.

Sa kabila ng ibinalita ng DOH, inilinaw naman ni Vergeire na negatibo sa COVID-19 ang 71-anyos na lalaki.

Sinasabing cardiovascular attack ang kanyang ikinamatay at hindi ang coronavirus. — may mga ulat mula sa News5

DEPARTMENT OF HEALTH LA UNION NOVEL CORONAVIRUS TAIWAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with