Pagbasura sa VFA balewala kay Trump
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Binalewala lang ni US President Donald Trump ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin na ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Sa halip ay nagpa­salamat pa si Trump dahil mas makakatipid anya ng malaki ang Amerika.

“I don’t really mind if they would like to do that, it will save a lot of money,” ani Trump.

Inihayag ni Duterte noong Martes ang pagtatapos ng dalawang dekadang kasunduan na inuugnay sa pagbawi ng Amerika sa US visa ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Ipinahiwatig din ni Trump na hindi nito ikokonsidera na suyuin si Duterte upang  magbago ng desisyon at iba ang pananaw niya sa iba.

Ipinagmalaki rin ni Trump ang pagkakataon na natulungan ng Amerika ang Pilipinas na labanan ang ISIS.

“Well I never minded that very much, to be honest. We helped the Philippines very much. We helped them defeat ISIS,” sabi ni Trump.

Balak naman ng liderato ng Senado na maghain ng petisyon sa Supreme Court sa susunod na linggo upang kuwesityunin ang hindi pagkonsulta sa mga senador sa pagbasura sa VFA.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito”Sotto III, posibleng ihain nila ang “petition for mandamus” at “petition for certiorari” sa susunod na linggo.

Nauna rito, sinabi ni Sotto na base sa mga pag-aaral ang withdrawal ng bansa sa isang kasunduan ay dapat pinagtitibay ng Senado.

Samantala, nirerespeto naman ng Malacañang ang naging pahayag ni Trump.

“Maybe he (Trump) agrees with the position of the President (Duterte) that it is time that we stand on our own resources and defend our country from enemies of the state by ourselves and not rely on the help of other countries,” pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Matibay aniya ang paninindigan ng Pangulo na panahon na para huwag tayong umasa sa kaninomang bansa kung pag-uusapan ay isyu na may kinalaman sa depensa.

Ang nais ng Pangulo ay palakasin ang military force ng Pilipinas at hindi na papasok sa bagong VFA. Rudy Andal

 

TRUMP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with