Duterte naalarma sa epekto sa ekonomiya ng nCoV
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - February 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naalarma na si Pangulong Rodrigo Duterte sa epekto sa ekonomiya ng bansa dahil sa 2019-novel coronavirus acute respiratory disease outbreak.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo, ginagawan na ng paraan ng administrasyon para matugunan ang naturang problema.

Una rito, sinabi ni Socio-economic planning Secretary Ernesto Pernia na aabot sa P133 bilyon ang mawawala sa ekonomiya kung tatagal ang krisis sa coronavirus ng hanggang Disyembre.

Ayon kay Panelo, pursigido ang pamahalaan na mahinto ang pagkalat ng naturang sakit.

Hindi lamang aniya ang Pilipinas ang apektado sa coronavirus kundi maging ang buong mundo.

Sa pinakahuling talaan ng health officials sa China, umabot na sa mahigit 800 ang nasawi dahil sa coronavirus.

Lubhang apektado na rin ang sektor ng turismo dahil sa nCov dahil malaking bilang ng foreign tourist ay mula sa China kung saan nanggaling ang virus.

ERNESTO PERNIA SALVADOR PA­NELO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with