^

Manalo ng P1 milyon sa P1K lang

(Pilipino Star Ngayon) - February 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Limpak-limpak na pera ang naghihintay sa mga bingo aficionados sa pangalawang paglulunsad ng “P1K for P1-M” PAGCOR-wide linked bingo game sa Pebrero 22, 2020, Sabado. Idaraos ito sa Casino Filipino (CF) Manila Bay sa Rizal Park Hotel, Ermita, Manila.

Kasunod ng matagumpay na unang yugto ng event noong Enero 25, ang mga manlalaro ng bingo ay magkakaroon ng isa pang tsansa na makakuha ng malaking halaga sa Game 10 sa halagang P1,000 lamang. Bawat ticket ay katumbas ng apat na card per game para sa 10 laro.

Mapapanalunan mula Games 1 to 10 ang cash prize na P100,000 bawat isa. Magsisimula ang laro ganap na alas-2:00 ng hapon.

Sino mang interesado ay maaaring maglaro sa CF Manila Bay o sa anumang sangay at satellite ng CF sa Angeles, Bacolod, Carmona, Cebu, Davao, Ilocos Norte, Iloilo, Mactan, Malabon, Olongapo, Parkmall (Cebu), Ronquillo (Manila), Tagaytay at Talisay (Cebu).

Bukod sa play date sa Pebrero 22, may nakatakda ring “P1K for P1-M” sa Marso 28, Abril 18, Mayo 23, Hunyo 13, Hulyo 18, Agosto 22, Setyembre 26, Oktubre 17, Nobyembre 14 at Disyembre 19.

Para sa dagdag na kaalaman, tumawag sa PAGCOR Bingo Department sa 7755-3699 locals 7201 to 7204. Maaari ring bisitahin ang www.pagcor.ph and <www.casinofilipino.ph>.

Maaari lang makasali dito ang mga may edad na mula 21-anyos pataas.

MANALO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with