Sakop ng travel ban ang lahat ng mga dayuhang dumarating sa Pilipinas mula sa China, Hong Kong at Macau. Kasama na rin iyong mga bumisita sa mga lugar na ito sa loob ng 14 na araw, ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea.
Mark Ralston/AFP
Travel ban pinalawak ni Duterte
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - February 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mas malawak na temporary travel ban sa buong China at mga teritoryo nito.

Ito’y makaraang maitala sa Pilipinas ang unang death case sa coronavirus sa labas ng China.

Sakop ng travel ban ang lahat ng mga dayuhang dumarating sa Pilipinas mula sa China, Hong Kong at Macau. Kasama na rin iyong mga bumisita sa mga lugar na ito sa loob ng 14 na araw, ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea.

Maaari namang makapasok sa bansa ang mga Filipino citizens at may hawak ng permanent resident visa na inisyu ng pamahalaang Pilipino na nanggaling sa China, HK at Macau pero sasailalim muna sila sa 14 na araw na quarantine.

Pansamantala ring ipinagbabawal ang pagbibiyahe mula Pilipinas patungong China at sa mga teritoryo nito.

Magtatayo rin ang pamahalaan ng repatriation and quarantine facility dahil takdang iuwi sa Pilipinas ang ilang Pilipino na nasa Wuhan na epicenter ng outbreak.

Nauna munang ipinagbawal ni Pangulong Duterte ang pagpasok sa Pilipinas ng mga manggagaling mula sa Wuhan pero pinalawak na ito kahapon sa buong China batay sa rekomendasyon ng task force at kasunod ito ng global emergency na idineklara ng World Health Organization.

Nilinaw ng Palasyo na tanging ang mga Pilipino at may Philippine permanent resident visa ang exempted sa travel ban sa mga biyahero mula China at mga special administrative regions nito.

Samantala, tiniyak naman ni Sen. Bong Go na handa ang gobyerno ng Pilipinas na maki­pagtulungan sa China at iba pang apektadong bansa para matugunan ang worldwide health concern na ito.

Ngayong araw ay pangungunahan ng Pa­ngulo ang pulong ng Task Force sa Malacañang kasunod ng unang fatality ng nCoV sa Pilipinas at ikalawang kaso sa bansa.

RODRIGO DUTERTE SALVADOR MEDIALDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with