Caballo Island, Fort Magsaysay gagawing quarantine area ng OFWs mula Wuhan
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ikinokonsidera na gawing ‘quarantine area’ para sa mga overseas Filipino workers na nais bumalik sa bansa ga­ling Wuhan, China ang Caballo Island at Fort Magsaysay Rehabilitation Center sa Nueva Ecija kaugnay na rin ng pangamba laban sa nakamamatay na 2019 novel-coronavirus (nCoV).

Inihayag ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kaugnay ng pamimili ng Department of Health (DOH) ng mga alternatibong lugar para gawing quarantine  area sa mga OFWs galing Wuhan.

Sabi ni Lorenzana, bumisita na sa Caballo Island ang mga opisyal ng DOH nitong Biyernes at nitong Sabado ay isinunod namang ins­peksyunin ang Fort Magsaysay sa Palayan City, Nueva Ecija.

Ang Caballo Island ay malapit lamang sa Corregidor gayundin sa Manila Bay habang ang Fort Magsaysay sa Palayan City ang himpilan ng Army’s 7th Infantry Division (ID) sa Central Luzon na may malawak ring pasilidad.

Sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), tinatayang nasa 150 ang mga OFWs sa Wuhan na karamihan ay mga English teacher na nais nang umuwi sa Pilipinas sa takot na mahawa sa coronavirus doon.

Ang Wuhan ay nasa ilalim ng lockdown dahil dito nagmula ang coronavirus na nakuha sa paniki.

DELFIN LORENZANA DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with