Masusing iniinspeksyon ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang mga kargamentong pumapasok sa bansa kaugnay ng pagbabantay laban sa coronavirus.
Ukay-ukay, food products tinututukan
Doris Franche, Rudy Andal, Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakaalerto  ang Bureau of Customs sa mga ukay-ukay at iba pang produktong inaangkat mula sa iba’t ibang bansa partikular sa China.

Sinabi ni Customs Assistant Commissioner Vincent Maronilla na ang mga gamit na damit, animal products at iba pang imported food products ay maituturing na high risk dahil malaki ang tiyansang kumapit sa mga ito ang 2019 novel coronavirus.

Sinabi ni Maronilla na ipinagbabawal naman talaga ang imported used clothing sa bansa kaya walang mawawala kung mas magiging vigilante ang pamahalaan kaugnay nito.

Aniya, puspusan na rin ang ginagawa nilang koordinasyon sa Philippine Coast Guard (PCG) at Department of Health (DOH) para tutukan ang mga produktong ipinapasok sa bansa.

Kabilang sa mahigpit na binabantayan ng BOC ay ang mga animal pro­ducts at exotic animals. 

Sa katunayan, may nasasabat aniya silang exotic animals at hindi pinapayagan na maipasok sa merkado.

Nakipag-ugnayan din ang BOC sa department of agriculture  para malaman ang mga agricultural at animal products na puwede lamang mapayagang maipasok sa bansa o  iyong mayroon lamang kaukulang mga lisensiya galing sa DA. 

Samantala, upang maiwasan ang maling impormasyon o fake news, inilunsad ng Department of Health (DOH) ang isang official webpage na kababasahan ng mga update o balita hinggil sa 2019 novel coronavirus o nCoV.

Ayon sa DOH, layon  nitong maiwasan ang pagkalat ng mga fake news na lalo lamang  nagbibigay ng takot sa publiko kaugnay ng nCoV.

Ang webpage ng ahensya ay ang https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV.

Tiniyak ng DOH na  up-to-date ang mga impormasyon sa naturang webpage at pwedeng i-share ng publiko.

Mas mainam ito, ayon sa DOH, kaysa sa kung anu-anong balita o posts sa social media na hindi kumpirmado o mga haka-haka at tsismis lamang na nagdudulot ng takot sa publiko.

Isinusulong sa Kamara ang panukalang magpapalakas sa kakayahan ng gobyerno na tumugon sa mga nakakahawa at nakamamatay na sakit o epidemya tulad ng 2019 novel coronavirus.

Sa House Bill 6096 na inihain ni Albay Rep. Joey Salceda, layon nito na likhain ang Center for Disease Control and Prevention o ang CDC.

Sa ilalim ng panukala, sasailalim sa CDC ang mga health unit na may kinalaman sa di­sease control and prevention.

Bukod dito, palalawakin din ang quarantine powers ng Health Secretary at ng CDC para masigurong hindi madaling makakalusot ang ano mang uri ng virus mula sa ibang bansa o mapipigilan ang paglaganap nito.

BUREAU OF CUSTOMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with