"Anong tulong ang magagawa niyan? Mapa-panic lang ang mga tao kaysa makatulong ito. At magdi-discriminate na tayo sa mga tao, pasyente at manggagawang pangkalusugan ng ospital na 'yon," sabi ni Garin sa panayam ng CNN Philippines sa Inggles.
The STAR/KJ Rosales, File
Ospital na may suspected nCoV patients 'wag tukuyin, babala ng ex-DOH secretary
James Relativo (Philstar.com) - January 29, 2020 - 6:43pm

MANILA, Philippines — Kinastigo ni dating Health secretary at ngayo'y Iloilo Rep. Janette Garin ang Department of Health, Miyerkules, kaugnay ng pagtutukoy ng departamento sa mga ospital na may inoobserbahang pasyente kaugnay ng nakamamatay na novel coronavirus (2019-nCoV).

"Anong tulong ang magagawa niyan? Mapa-panic lang ang mga tao kaysa makatulong ito. At magdi-discriminate na tayo sa mga tao, pasyente at manggagawang pangkalusugan ng ospital na 'yon," sabi ni Garin sa panayam ng CNN Philippines sa Inggles.

"Kunwari employer ako, doktor ng government hospital na tinukoy ng DOH. Ngayon pag-uwi ko, pupunta ako kung saan-saan. Sasabihin ng mga tao, 'Oh, hindi kami pwedeng lumapit sa inyo.' Paano kami makakapagtrabaho kung dinidiskrimina ka na?"

Ika-27 ng Enero nang maglunsad ng press briefing ang DOH sa Malacañan kung saan pinangalanan ang pitong ospital kung saan may ilang pasyenteng sinusuri.

Sa sesyon ng Kamara ngayong hapon, harapan nang kinompronta ni Garin si DOH Secretary Francisco Duque III patungkol sa nasabing isyu.

Aniya, protocol na raw dapat na hindi binabanggit ang ospital: "Kaysa makabuti nakasama pa 'yon."

Sinunggaban na rin daw ng ilang gumagawa ng pekeng balita ang pangalan ng mga ospital, sa kapinsalaan ng public health.

Nangako naman si Duque na hindi nila ito gagawin pang muli: "Yes ma'am [hindi na]."

Inooberbahan sa nCoV nabawasan

Samantala, kinumpirma naman ni Duque na nabawasan na ang ang bilang ng mga patient under investigation (PUI).

Martes nang sabihin ni Duque na 27 ang PUIs, ngunit nabawasan rin ito ng tatlo, dahilan para maging 24 na lang ito kahapon.

Kanina, muli itong nabawasan, dahilan para mapirmi sa 23 ang bilang ng mga PUIs. Lahat sa kanila ay may kasaysayan ng pagbisita sa Wuhan, China, na pinagmulan ng outbreak.

Sa kabila nito, kinumpirma ng DOH ngayong araw na isang Chinese national na tinitignan para sa nCoV ang namatay sa pneumonia habang inoobserbahan pa. 

Hindi pa kumpirmado kung novel coronavirus ang sakit ng Tsino, ngunit napag-alamang marami siyang karamdaman gaya ng HIV at problema sa baga.

Hinihintay pa ng DOH ang mga resulta ng laboratory samples ng 18 pasyente mula sa Research Institute for Tropical Medicine, habang animm na confirmatory results naman ang inaantay pa mula sa Australia.

2019-NCOV DEPARTMENT OF HEALTH FRANCISCO DUQUE III JANETTE GARIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with