^

Bansa

Pinoys sa China, mag-‘self quarantine’

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Pinoys sa China, mag-�self quarantine�
Ayon kay Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana, nasa “dalawa o tatlong dosena” ng mga Pinoy ang nagpahayag ng kanilang kagustuhan na makauwi na sa bansa mula sa Wuhan, ang sentro ng virus.
Rudy Santos/File

MANILA, Philippines – Inabisuhan ang mga Pilipino sa China na mag-“self-quarantine” sa pamamagitan ng pananatili sa loob ng kanilang mga bahay at bawasan ang pakikisa­lamuha sa maraming tao upang maiwasan ang bagong coronavirus habang pinag-uusapan na ng mga opisyal sa bansa ang planong paglilikas sa mga ito.

Ayon kay Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana, nasa “dalawa o tatlong dosena” ng mga Pinoy ang nagpahayag ng kanilang kagustuhan na makauwi na sa bansa mula sa Wuhan, ang sentro ng virus.

Aniya, kapag napauwi ang mga ito, makakasa­lamuha nila ang iba pa sa paliparan at mahaharap sa mas mataas na panganib sa pagkakaroon ng novel coronavirus.

Dagdag pa nito, kailangan din ng permiso ng China ang posibleng paglilikas sa mga Pilipino. Dapat din umanong samahan sila ng mga doktor sa biyahe at dapat i-kwarantin matapos dumating sa Maynila.

Iniiwasan aniya ng pamahalaan na madala ang virus dito sa Pilipinas ng mismong mga Pinoy.

“Ang abiso namin sa Filipino community, self-quarantine. Lalo na sa Wuhan, stay in your homes, minimize contact with others… Ito sa ngayon ang safest way,” aniya pa.

 

vuukle comment

SELF QUARANTINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with