^

Bansa

Namatay sa NCoV, 106 na

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Namatay sa NCoV, 106 na
Ayon sa WHO, nakapasok na ang coronavirus sa Japan, Korea, Vietnam, Singapore, Australia, Malaysia, Thailand, Nepal, US, Canada at France.
AFP / Hector Retamal

MANILA, Philippines – Pumalo na sa 106 ang bilang ng mga namatay sa coronavirus mula sa 4,515 kumpirmadong kaso.

Sinabi ni Dr. Rabindra Abeyasinghe, WHO Country Director, minomonitor naman ng mga health authorities ang outbreak kaya’t naaabisuhan ang Pilipinas kung ano ang mga dapat na gawin.

Ayon sa WHO, nakapasok na ang coronavirus sa Japan, Korea, Vietnam, Singapore, Australia, Malaysia, Thailand, Nepal, US, Canada at France.

Kasabay nito, naglabas ng travel warning ang Estados Unidos at Canada sa pagpunta sa China dahil sa tumataas na bilang ng namamatay sa N-CoV.

Pinatigil na rin ng Bureau of Immigration ang visa upon arrival sa mga Chinese upang matiyak na maiiwasan ang pagkalat ng virus.

Simula nitong Lunes ng gabi ay sinuspinde na ang direct flights mula sa Wuhan, China papunta sa Kalibo International Airport.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Phi­lippines (CAAP)-Aklan manager Engr. Eusebio Monserate Jr., ito’y matapos makabalik na sa Wuhan City ang mahigit sa 500 Chinese tourists na nagbakasyon sa Boracay.

Sa kasalukuyan, nananatiling nCov free ang Aklan kahit tatlo sa 11 binabantayang dayuhan sa bansa na itinuturing na “persons under investigation” ay nasa Aklan Provincial Hospital pa rin.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with