^

Bansa

Taal evacuees nangangailangan ng mga sako

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi lang mga relief goods kundi nanganga­ilangan din ng mga sako ang mga residente ng Batangas na naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal.

Ito ang nabatid kay Joint Task Force Taal chief Brig. Gen. Marcelino Teofilo kaugnay ng pagbalik ng mga biktima ng Taal sa kanilang mga tahanan makaraang ibaba sa alert level 3 ang bulkan.

Pero sa pagbalik ng mga residente, malaki ang panlulumo nila dahil natatabunan ng makakapal na alikabok o abo ang kanilang mga tahanan at kalsada sa kanilang mga bayan.

Sinabi ni Teofilo na kailangan ng mga residente ng mga donasyong sako para maimpake nila ang mga abo ng bulkan na tumataklob sa kanilang mga bahay para magawang mga bricks ang mga ito sa halip na  mahaluan ng tubig-ulan at maging maputik ang mga kalsada.

“Noong nakita nila iyong status ng bahay nila, mga ari-arian nila, talagang nakakalumo po dahil sa kapal ng mga alikabok,” sabi ni Teofilo.

 

vuukle comment

TAAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with