Mga estudyante nagiging ‘bobo’ dahil kulang sa nutrisyon - Villar
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - January 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinisi kahapon ni Sen. Cynthia Villar ang kakula­ngan ng nutrisyon lalo na ng gatas kaya umano nagiging “bobo” ang mga mahihirap na estudyante.

Sa pagdinig ng Senate committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform na pinamumunuan ni Villar, sinabi nito na hindi lamang ang kawalan ng magagaling na guro ang dapat sisihin sa mahinang performance ng mga estudyante kung hindi ang kawalan ng tamang nutrisyon.

Kinastigo ni Villar sa pagdinig ang Department of Agriculture at ang National Dairy Authority (NDA) na hindi nakakapagbigay ng murang gatas sa mga mahihirap.

Ayon kay Villar, isang porsiyento lamang ng demand sa gatas ang naibibigay ng Philippine Carabao Center at  NDA kahit 26 taon na ang kanilang operas­yon.

CYNTHIA VILLAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with