^

Bansa

Kulusugan ng mamamayan sa Benguet uunahin ng solon

Pilipino Star Ngayon
Kulusugan ng mamamayan sa Benguet uunahin ng solon
Layunin ni Cong. Yap na mabigyan ng solusyon ang kakulangan ng gamot at pondo ang ospital sa Benguet, kawalan ng tamang waste disposal at magkaroon ng farm to market road sa probinsiya.
Allan Reyes/Philstar.com, file

MANILA, Philippines — Matapos italaga bilang caretaker, prayoridad ngayon ni ACT-CIS Cong. Eric Yap ang kalusugan ng mga mamamayan ng lone district ng Benguet.

Layunin ni Cong. Yap na mabigyan ng solusyon ang kakulangan ng gamot at pondo ang ospital sa Benguet, kawalan ng tamang waste disposal at magkaroon ng farm to market road sa probinsiya.

Si Cong. Yap ang itinalaga ng Kongreso bilang caretaker ng naturang distrito matapos pumanaw si Cong. Nestor Fongwan Sr., noong Disyembre, 2019.

Nais din ni Yap na magkaroon ng ‘environment friendly garbage disposal’ sa nasabing lalawigan.

Anya, ang Benguet ang vegetable capital of the Philippines pero hirap ang mga magsasaka na ibaba at dalhin sa palengke ang ani nilang gulay dahil walang maayos na kalsada.

Tiniyak ni Cong. Yap na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para masolusyunan ang mga nasabing problema.

vuukle comment

BENGUET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with